Ang aming mga Programa

Nakaka pagbigay Ng Tulong sa Panahon ng Pangangailangan.

Ang misyon ng NAHAC ay magbigay ng mga pondo, subsidyo, at/o iba pang benepisyo sa mga may-ari ng bahay sa Nevada o iba pang grupo ng mga indibidwal. Tumutulong kami sa abot-kaya o subsidized na single o multi-family na pabahay. Aming tinutukoy ang iyong mga partikular na pangangailangan, bilang isang may-ari ng bahay sa Nevada, at mga pakikipagsosyo sa pakikipag-ugnayan sa mga pampubliko at pribadong entity. Ang NAHAC team ay mga dalubhasa at propesyonal na magbibigay ng serbisyong mabisa at mahusay. Wala ng alahanin pa dahil alam namin ang iyong mga pangangailangan at ito ay aming pangunahing priyoridad. Ang mga programa ng NAHAC ay isang libreng serbisyo para sa mga may-ari ng bahay na nakakaranas ng kahirapan sa pananalapi. Nandito kami upang tulungan kang manatili sa iyong tahanan at maiwasan ang pagreremata. Ang kailangan mo lang gawin ay tingnan kung kwalipikado ka.

Ano Ang Mga Dahilan Na Maaaring Hindi Ka Kwalipikado?

  • Hindi ka na nakatira o nananatili sa bahay na ipapasok sa programa.
  • Hindi ka na isang full-time na residente ng Nevada.
  • Ang iyong tahanan ay hindi matatagpuan sa estado ng Nevada.
  • Ikaw ay nasa proseso o nagsampa ng bankruptcy.
https://nahac.org/wp-content/uploads/2021/11/NAHAC14490_event_0009.jpg

Unemployment Mortgage Assistance Program (UMA)

Magbibigay ang UMA ng pansamantalang tulong pinansyal sa mga karapat-dapat na may-ari ng mga bahay sa Nevada na gustong manatili sa kanilang mga tahanan ngunit nawalan ng kita dahil sa kawalan ng trabaho o mababang pasahod sa trabaho.

Matuto pa
https://nahac.org/wp-content/uploads/2021/11/NAHAC14490_event_0005.jpg

Mortgage Reinstatement Assistance Program (MRAP)

Magbibigay ang MRAP ng mga pondo upang matulungan ang mga kwalipikadong may-ari ng bahay na ayusin ang kanilang mga delingkwenteng utang sa unang mortgage loan, na maaaring kasama rin ang mga kinakailangang pagbabayad upang maibalik ang kanilang mga utang mula sa pagreremata.

Matuto pa